Ligaya & the Sight of Blood
Tagalog | English
Ligaya & the Sight of Blood
Tagalog | English
Elisa
Ang mahal kong kapatid, Ligaya:
Naalala mo pa ba noong bata ka pa, lagi kang hinihimatay kapag nakakita ka ng dugo?
Tulad ng dugo ng isda. Isang araw nililinis mo yung isda na may dugo at iniwanan mo sandali at pumasok ka ng kwarto. Tapos narinig ko na lang na may kumalabog sa kwarto. Nung silipin ko, hinimatay ka na pala. Tapos sabi ni Nanay sa akin, sabihin ko daw sayo wag kang matakot.
Siguro kung may pera lang tayo noon, dapat pinatingin ka sa doktor. Bakit ganon? Tuwing may nakikita kang dugo, hinihimatay ka. Salamat sa Diyos, habang lumalaki ka na, nawala na. Ngunit yun siguro ang sign ng problema mo sa puso–mahina.
Pero salamat na rin, no more pain and sorrow ka na. Kasama mo na ang mga relatives natin, magulang, lalo na ang Panginoon sa langit.
Ligaya, tandaan mo: lagi ka nasa puso ko. Hindi kita malilimutan at mahal na mahal kita.
Ang kapatid mo,
Elisa