Ligaya, Kenny Rogers, & the News
Tagalog | English
Ligaya, Kenny Rogers, & the News
Tagalog | English
Rosie
Gusto ni Gay si Kenny Rogers.
Sabi niya sa akin pag pumunta daw dito sa Canada, manonood kami. Hindi ko nga alam kung buhay pa si Kenny Rogers eh. Pero wala na rin naman si Gay.
Tessie
Patay na si Kenny Rogers 😁
Rosie
Buti ka pa alam mo 😔
Si Gay ang mahusay mag balita. Sa kanya ko nababalitaan ang mga tsismis. Buhay pa si Kenny Rogers nung sinabi niya sa akin na manonood kami pag pumunta dito sa Canada. Kaya naman pala hindi nagpunta: wala na rin pala siya.
Tessie
Matagal na patay si Kenny Rogers. Gusto ko rin si Kenny.
Jayson
Nakita namin sa news at the time. 2020 pa nung nag COVID lockdown. 81 years old. Kung mag concert pa siya ngayon, baka mahina na kumanta. Sikat sobra si Kenny; peak years noong 1980s.
Rosie
Kaya buhay pa si Kenny nung sinabi ni Gay sa akin ❤️
Jayson
Ang wala na kaming balita sa Pinas. Noon kasi, everyday nanonood si Mama ng TV Patrol kaya lahat ng news updated. Everything Pinas, pati sa mga artista, tsaka si Raffy Tulfo.
Pero pag sa Canada, hindi na niya alam 🙂
Rosie
Oo nga, pati balita sa mga artista alam niya. Ako din, pag balita sa Canada, wala akong alam. Pero pag Pinas? Hehehe 😊
Jayson
Mas entertaining naman kasi.
Noong nasa Pinas, nagbabasa si Mama ng mga magazines tungkol sa mga artista. Daily newspaper namin dati yung People's Journal, pero pinalitan ng Inquirer; narinig ko dahil puro patayan daw kasi ang news.
Binibili niya yung People's Tonight pag galing siya sa labas at ginabi na ang paguwi. Binilhan niya din kami ng Pinoy Comics.
Noong nandito na sa Canada, na attract siya ng mga magazines sa grocery checkout. I remember the magazines kasi binabasa ko rin. Iba pa talaga noon wala pang internet. Aside from TV, mga magazines pa ang alternate entertainment.