Ligaya & Growing Up Poor
Tagalog | English
Ligaya & Growing Up Poor
Tagalog | English
Susan
Parang pagkakilala ko kay Tita, she doesn’t care about money. Basta experience and food ang kanya. Pag may bago, try natin. She’d make sure kami din meron.
For someone who grew up mahirap, hindi siya nagdamot.
Rosie
Totoo: basta masaya, hindi niya iniintindi ang gastos.
Yes, mahirap lang kami. Maaga kami nag work sa factory ng biskwit at si Gay ang taga hatid ng lunch namin. Tapos habang kumakain kami, tumutulong siya mag pack ng biskwit. Ang aga din kami pumipila—madilim pa sa factory—para makakuha kami ng marami at magandang biskwit.
Jayson
Madalas ni Mama sabihin noon: "Mahirap lang sila noong bata," kaya lahat binili at binigay niya sa aming mga bata. Kaya nga nag Jollibee birthday party or every year may party kami.
Busog na busog ako sa lahat ng bagay at mga laruan na binili at binigay ni Mama noong bata kami. Hindi ako masyado nag desire, pero siya na lang automatically. Kung ano ang uso, kung ano ang bago, magkakaroon ako. Na surprise na lang ako one day Ninja Turtles na ang backpack ko for school. Masaya siyempre kahit hindi ko naman wish magkaroon. Pati noong nagustuhan ko yung wrestling, surprise na naman—bumili siya ng Hulk Hogan backpack for school.
Yung mga G.I. Joe toys, siya ang bili ng bili—minsan tatlo ang bigay sa akin at one time.
Dumami ang mga toys ko; pati sa video games, binilhan kami. Tawag nga niya “bala” yung games sa Family Computer. Karamihan, pili at bili niya. Basta kami, laro lang ng laro.
Galing sa US, galing sa Hong Kong: bili, bili, bigay. Kahit gaano kalaki ang box, mauuwi niya sa Pinas. Hindi na lang ako makapaniwala minsan. Naging memorable sobra yung childhood.
Kaya nga pangalan niya Ligaya: she would really make you happy however way she can.
Jovert
Mama was a simple person who did not have extravagant tastes.
Sabi niya kung meron siyang gusto—like a pricey designer purse—hihipuhipuin lang niya, tapos hindi na niya kailang angkinin. Hindi siya selfish: mas masaya siya bilhan ang ibang tao. Kaya nga pag Christmas, lahat meron regalo galing kay Mama: mga katrabaho, mga apo... lahat.
At hindi siya nag online shopping: lahat ng regalo niya, sa store niya hinanap at binili. Hindi rin gumagamit ng credit card; "cash only" lang si Mama.
Jen
Mama and Papa made sure we had the best childhood. Papa worked sa bundok far away from us and Mama para maka afford ng masarap na buhay, pagkain, laruan, gamit, school, etc.
Lagi tayo ang iniisip nila.
Rosie
Sobrang loving and caring si Gay.
Halos karamihan sa damit ko bili niya, bigay niya. Basta may makita siya na maganda at kasiya sa akin—maskina walang okasiyon—bibilhin niya para sa askin. Hanggang ngayon, sinusuot ko pa.
Richard
And yung Edmonton trip, I remember she gave me the money to get a hat sa Hardrock Cafe kase I was contemplating to get it lol