Ligaya & Manny Pacquiao
Tagalog | English
Ligaya & Manny Pacquiao
Tagalog | English
Jayson
From 2005 until his last match in 2021, pinanood namin ni Papa ang mga laban ni Manny Pacquiao. Kasama din si Mama manood.
Excited nga si Mama pag nanonood. Kinakausap niya yung TV: napapasigaw at tinuturuan niya lumaban parang trainer! Gusto niya tuloy tuloy ang pag suntok ni Manny sa kalaban. Dapat "Joog! Joog! Joog!" daw ang sabi niya.
Bago namin nakilala si Manny, ang madalas namin panoorin ay si Oscar De La Hoya: magaling na champion din. Sabi ni Mama, siya lang ang nakita niyang guwapong boxer. Noong 2008, naglaban din sila Oscar at Manny, pero older and past ng prime na si Oscar kaya hininto ang laban bago mag round 9. Puro pasa at maga ang mukha ni Oscar. Nag retire siya pagkatapos ng laban. Unbeatable talaga si Manny at that time.
In the early years, mahilig si Manny mag sign of the cross habang sa gitna ng suntukan. Naiinis si Mama pag nakikikita niya ginagawa ni Manny yun.
Nagbago lalo ang tingin ni Mama kay Manny noong naging "bible ambassador" siya at pumasok sa politics. Pagtapos noon, gusto na ni Mama ma-knockout si Manny tuwing laban niya.
Naging entertainment at comedy pa kay Mama noong tumakbo si Manny Pacquiao maging presidente; naging Manny "Pakyu" na siya! Basta kung may sunod na laban pa, gusto na ni Mama ma-knockout si Manny.