Ligaya, Jeepneys, & Independence
Tagalog | English
Ligaya, Jeepneys, & Independence
Tagalog | English
Jayson
May pagka athlete si Mama noong nasa Pinas. Magaling siyang umakyat baba ng jeep.
Minsan, noong maliit pa kami ni Achi, kasama rin kami. Naalala ko may mga stickers nakadikit sa loob. Sa isang jeep, sabi, "Ako nga ay matulin, oras niyo naman ay hahabulin." Another jeep: "Ako nga ay mabagal, buhay niyo naman ay tatagal."
Pati sa pagtawid ng highway papunta sa SM City Mall, tatakbuhin namin. Takbo as in sprinting! Tinawid namin yung highway na parating ang mga sasakyan.
Mahilig din si Mama pumunta ng Manila, Quiapo, at Divisoria. Paguwi, ang dami niyang dalang bag: kung ano anong nabili at pasalubong. Siya lang magisa, tapos tricycle ang last ride home niya. Pati kalesa nga sa Binondo nasakyan din namin kapag dinadalaw namin si Angkong sa office.
Very active at very mobile ang movement ni Mama noon. Strong-willed din kaya nga nagawa niya ang lahat ng mga yun. Even here in Canada, she learned to drive—minivan pa!
Rosie
Mabilis talaga maglakad si Gay noong nasa Pinas tayo. Kapag humabol ng jeep, hirap akong habulin, pero siya ang bilis!
Kaya nga pag niyayaya niya akong lumabas, gusto ko may sasakyan. Sasabihin niya sa akin, "Wag ka nang sumama! Maghihintay ka pa ng sasakyan!" 😂
Jayson
Pag kasama ako sa jeep, sasabihin niya sa driver, "Sa tabi lang," tapos bababa na kami. Ang gusto niyang spot yung nasa dulo at sa pinto para madaling bumaba.
Jovert
I have a vague—yet distinct—memory of Mama coming home to report that she and Delia were robbed aboard a jeep. I think the robber tore a necklace from Mama's neck. Did this happen?
Rosie
Yes, na holdup sila Gay at si Delia noong papunta sila ng Santa Cruz. Pagbaba ng holdaper, hinablot yung kuwintas ni Gay! Duon sila nakaupo sa may entrance ng jeep 😩
Jovert
Mama was quite active even in her later years.
She walked to work until Papa started driving her during wintertime; yet she continued to walk home after work—until Papa also started picking her up.
And, siyempre, mahilig siya maglakad papunta sa mall after work or on Saturdays. Nilalakad niya papunta sa Richmond Centre, Lansdowne Mall, and even as far as Aberdeen Centre. Along the way, she would stop by London Drugs, Tindahan Grocery, and other places. All of this after she would have already walked around and around, back and forth from store to store within each mall.
As part of those days out on her own, gusto ni Mama kumain ng lunch sa food court, like at KFC or A&W. Paguwi niya, usually may dala siyang mga baked goods galing sa Maxim's Bakery o Kam Do Bakery.
Ayaw niyang samahan siya ni Papa. She was indeed independent and alam niyang maiinip lang si Papa.
Now, kung maglalakad si Mama around Minoru Track, forget about it. Boring daw!