Ligaya & Foods She Enjoyed
Tagalog | English
Ligaya & Foods She Enjoyed
Tagalog | English
Jayson
Gusto ni Mama magluto para sa lahat.
Pero siyempre gusto rin nyang kumain. Yung nakataas ang hita niya, ginagawa pa rin niya hanggang early this year (2024). Pag ganado siya kumain, nakataas ang kanang binti at nagkakamay—gamit yung kanang kamay niya.
Since hindi na si Mama nagtrabaho after her heart attack in July 2023, over the last year, everyday sabay kami mag lunch; kasama rin si Papa. Kumakain kami habang nanonood ng Eat Bulaga and Family Feud Philippines sa YouTube.
Rosie
Noong September 1988, pumunta kami sa US Raging Waters.
Naalala ko yung ribs na kinakain ni Gay (yung nasa picture).
Natuwa at tawang tawa kami ni Gay kasi ang laki nung ribs... at ganyan mo lang kakainin? Tapos kinagat ako ng bubuyog sa kamay dahil nasa ilalim kami ng puno at hawak ko iyon ribs na may barbecue sauce!
Jovert
Mahilig si Mama sa Filipino food.
Pagkatapos niya magluto para sa amin, minsan nagluluto naman siya ng sarili niyang putahe—yung talagang Pilipinong Pilipino food na mostly siya lang ang kumakain, kagaya ng laing, pinakbet, at paksiw na isda.
Tuwing nagluluto si Mama ng sinigang na baboy o isda, gusto niya lagyan ng labanos, kamatis, green beans, at serrano peppers. Minsan, nilalagyan din niya ng kangkong at okra. Mmm... ang sarap! Alam ni Mama na hindi kumakain si Jayson ng sinigang, kaya pinaglulutuan siya ni Mama ng ibang ulam.
On Fridays, binibilhan ni Papa di Mama ng daing, bangus, monggo at ano mang nasa menu sa Tindahan Grocery that day. I know it's not Filipino, but nagpapabili rin si Mama ng hot wings from KFC—gustong gusto niya yun.
Noong nagtratrabaho pa siya sa McDonald's, madalas siyang paglutuan at pagbaunan ng Filipino food ng mga kaibigan at katrabaho niya, kagaya si Kumander Andrea at si Edith.
Yung pagkain na ayaw ni Mama? Yung may mga herbs!
Jayson
Pork barbecue on a stick.
From Pinas to Canada, nasa regular summer menu iyan at home, parties, and outings. Ang alam kong main ingredients sa marinade ay soy sauce and 7 Up; may garlic pieces din. Masarap papakin—ilang sticks ang makakain mo. Gusto ni Mama yung may taba, tapos medyo sunog.
Natigil na mag barbecue in recent years. Ako o si Papa na ang nag barbecue. Outdoor grill kasi kaya tinamad na, tapos mahirap pa linisin ang grill. I think we went through 3 grills over the years. Decide ni Papa to give it up.
Rosie
Wow, ang sarap ng pork barbecue, Pinas style! Mahirap lang mag tuhog ng stick. At masarap talaga medyo may taba at medyo sunog. Di ba nagpabili pa siya noon, maskina mapait na ang panlasa niya? Kasi gusto niya kumain 😭
Jayson
Last bag sa freezer.
Madaming nakain ni Mama niyan.
Pang merienda o sa gabi, gustong gusto niya iyan. Iniinit lang niya sa microwave, pero isang beses, early this year pa (2024), nakita ko prinito niya at naging fried saba. Noong nasa hospital siya, nag prito si Papa at dinala doon. Sinubukan niyang kainin. "Matigas!" sabi niya. Babu, saba banana!
Susan
Babu?
Jayson
Madalas ko marinig sa Pinas yan "baboo" o "babu," meaning "ba-bye."
Rosie
Ah! "Baboo" ay "bye bye" nga lol! Madalas ko marinig kay Gay iyan 😂